House boy na nagkakagusto sa kanyang amo
- ROMA AMOR
- Jan 18, 2019
- 1 min read
Dear Roma,
Ako si PJ, 28 years old. Sa ngayon, nagtatrabaho ako bilang houseboy dito sa Maynila kaya nagkakagusto ako sa amo kong babae dahil sobrang bait niya sa akin. Iniisip ko, imposible namang magustuhan niya ako, kaya nais ko nang mag-resign na lang at maghanap ng bagong trabaho na tiyak na mag-aangat sa buhay ko nang sa gayun ay may mapatunayan ako kung sakaling magkita kaming muli. Tama ba ang gagawin ko? — PJ
PJ,
Alam mo, iho, wala namang masamang magkagusto ka dahil lahat naman tayo ay may feelings. Pero, bilib ako sa’yo dahil ginagawa mong inspirasyon ang nararamdaman mo para umasenso ang buhay mo. Naniniwala ako balang-araw na magiging maunlad ka, pero ipinapayo namin sa iyo na huwag ka nang umasa sa amo mo dahil marahil hindi talaga siya ang itinakda ng kapalaran para sa iyo, ipagpatuloy mo lang ang pagiging mabuting tao! Good luck at God bless!





Comments