HOROSCOPE | ENERO 18, 2019 (Biyernes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG ENERO 18, 2019 (Biyernes): Para sa iyo ang panalo sa bawat hamon ng kapalaran na iyong nilalabanan, kaya wala kang dahilan para umayaw sa laban ng iyong buhay.
ARIES (Mar. 21- Apr. 19) - Gawin mo ang anumang gusto mong gawin. Ang masayang balita ay nagsasabing, ang araw na ito at ang ilan pang mga araw na darating ay nakalaan para sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-18-20-24-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag ka nang maghanap pa ng dahilan para hindi mo ituloy ang matagal mo ng plano. Ngayon ang eksaktong panahon para kumilos ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red.Tips sa lotto-5-13-16-23-39-41.
GEMINI (May 21- June 20) - Pagkatapos ng mahabang panahon ng pagpapagod sa mga kasiyahan, ngayon ang araw para ipahinga mo ang pagpapaunlad ng iyong kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown.Tips sa lotto-16-22-28-39-40-45.
CANCER (June 21- July 22) - Hindi makatitikim ng matamis na bunga ang hindi magtatanim. Magtanim ka para sa iyong kinabukasan nang sa gayun ay umani ka ng kasaganahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-20-21-28-35-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Masarap ang may kasama habang nagsisikap, pero kung ang makakasama mo ay sakit lang sa ulo, gawin mo na lang nang mag-isa ang pagbuo sa iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-23-24-33-31.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Manghiram ka, pero magpahiram ka rin at ang ipahiram mo ay ang mga pormula ng tagumpay na noon pa man ay laman na ng isipan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-17-29-32-37-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iwasan mo ang hindi pagkakaunawaan dahil may babala sa iyo na ang sitwasyong ganito ang magbibigay sa iyo ng kamalasan. Piliin mo ang daan ng pagbibigayan nang sa gayun ay maging maluwag ang landas ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-10-19-22-26-30-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magpasya ka, ipinagkaloob sa iyo ngayon ang kalayaang magdesisyon kung anong landas ng buhay ang iyong tatahakin. Nasa mga kamay mo ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-23-30-32-39-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi nagsasawa ang langit na pagkalooban ka ng mga biyaya dahil nakita Niyang kakaiba ang pagsisikap mo. Huwag kang magbabago. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-17-28-31-38-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung nasaan ang pakikipagsapalaran, doon ka. Magagamit mo ang mga natutunan mo sa nagdaan para pagtagumpayan ang mga pagsubok na iyong mararanasan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-14-15-24-35-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumayo ka sa anumang makasisira sa iyong pagkatao. Kaya ang mga nakadikit sa iyo na sira ang kapalaran ay iwasan mo na. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-15-18-20-21-22.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muli, ang hinahanap sa iyo ng langit ay lakas ng loob. Marami ka nito kaya lang ayaw mong ilabas. Ngayon na ang pagkakataon para maipakita mong malakas ang iyong loob. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-11-19-25-27-30.




Comments