top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Hired killer binaril sa ulo

Levi Gonzales
Jan 18, 2019
1 min read

PATAY sa dalawang tama ng bala sa ulo ang umano’y kabilang sa gun-for-hire group makaraang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Bgy. Lumingon, Tiaong, Quezon.

Batay sa report, alas-11:20 ng gabi, sakay ng tricycle si Leo Monares, 33, ng Sitio Sala, nang tambangan ng mga armadong kalalakihan.

Duguang bumagsak ang biktima saka tumakas ang mga salarin.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may kaugnayan sa kanyang trabaho bilang dati umanong hitman habang may nakabimbin ding dalawang kaso ng pagpatay.

Gayunman, patuloy ang pagsisiyasat at pagkalap pa ng ilang ebidensiya upang maresolba ang naturang krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page