top of page

Dahilan ng pagsakit ng puson kahit walang regla

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 18, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane, Ako ay 28 years old at may isang anak. Bakit kaya lately ay sumasakit ang puson ko, pero wala naman akong regla, natakot akong baka kanser na ito? Nais kong malaman kung ano ang posibleng dahilan ng pagsakit ng puson ko kahit wala akong regla at ano ang dapat gawin? — Elsa

Sagot Kung masakit ang puson kahit walang menstruation, posibleng dahil ito ay may mabigat na dahilan.

Narito ang ilang dahilan ng pagsakit ng puson kahit walang menstruation:

  • Eating disorder — ang babae na mayroon nito ay makararanas ng hindi regular na regla o talagang wala na. Ang katawan ay magbibigay ng mga senyales bago magkaroon ng buwanang regla.

  • Pagbubuntis — may posibilidad na nagdadalantao ang babae kapag mararanasan ito ng pagsakit ng puson kahit walang menstruation. Sinasabayan ito ng kaunting pagtulo ng kulay pula o brown na likido.

  • Pagkakaroon ng bukol — ito ay may dalawang dahilan. Una, maaaring may tumubong bukol sa obaryo. Ikalawa, ang itlog ay hindi makaalis mula sa follicle ng obaryo at habang lumalaki ito, makararamdam ng sakit sa puson.

  • Menopause — sa panahon nito, ang mga babae ay makararanas na ang menstruation nila ay hindi na regular o halos wala na silang menstruation ng ilang buwan dahil sa pagbaba ng reproductive hormones sa kanilang katawan.

  • Cervical stenosis — kung saan ang ibabang bahagi ng matris ay masyadong masikip kaya hindi madali ang pagdaloy ng dugo sa panahon ng pagreregla.

Narito ang dapat gawin para maibsan ang pagsakit ng puson:

  • Iwasan ang sobrang stress o pagkapagod.

  • Bawasan ang pagkain ng maaasim at maaalat na pagkain.

  • Gumamit ng hot compress.

  • Uminom ng tsaang gubat o mainit-init na tubig na may lemon.

  • Ugaliing uminom ng maraming tubig.

Gayunman, ang pinakamabuting gawin ay magpakonsulta sa doktor, lalo na kung lumalala na ang pananakit ng puson upang mabigyan ng karampatang payo at maresetahan ng gamot na angkop para rito.

9 Comments


CELYN ALCOBER
CELYN ALCOBER
Jan 14

Hello pooo ask LNG po .Sana mapansin Nyo po...doc ask ko LNG ho bakit laging masakit uNG puson ko tuwing masakit uNG biwang ko....

Like

stephanie ocampo
stephanie ocampo
Nov 28, 2024

Helooo poo may mga katanungan lng po ako na nakakapagbahala saakin at dina din ako mapakali....


Oo nga po sumasakit po yung puson ko pero dipa po ako nireregla at meron ding lumabas na white mens sobrang lapot din at medyo madami din at may brown din sa may panty......at lumalaki din ang puson ko⊙⁠﹏⁠⊙ kinakabahan nPoo ako and nag overthink kung may problema ba ang matres ko or dealing with "pregnancy" na po???

Like
Sarheydi Fashion
Sarheydi Fashion
Feb 07
Replying to

Same situation kaya lang saakin naman, imposibleng buntis kasi wala naman akong sexual engagement. Nakaka-bother lang. 😔

Like

D. K.
D. K.
Nov 26, 2024

Pasensya na kung mukhang tanga ang tanong na ito, pero bakit palaging sumasakit ang tiyan ko tuwing kabilugan ng buwan?

Like

Cathlene Tambauan
Cathlene Tambauan
Nov 09, 2024

Ako po ay 12 turning 13 this month po,hmmmm naranasan kona din po actually ngayon po,like pag napapagod po ako bigla biglang sumasakit wala naman po akong period and imposible po na I'm pregnant I even don't have boyfriend po eh,and even I have we should know our limits po or siguro my utak kami na wag gawin ang hindi nararapat,and pag ano po pag umuupo ako at sinu subukang kumalma ahy nawawala rin po

Like

MDolly Ordinario
MDolly Ordinario
Oct 04, 2024

Ako po ay 56 years old na, at ngayon ko kang po naranasan ang sakit ng puson matagl na po akong menopause at lately po nakakaranas ako ng heart burn na gumagaling nman pag nakainom na ako ng vuscopan ..pero kagabi po nde ako makatulog sa sakit ng puson na nde ako matagilid sa pag tulog pag nakatihya nman ay medyo nwawala .. ano po kya ang dahilan ng aking mannakit ng puson


Salamat po sa sagot

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page