Bagong gimik ng mga kawatan na paglalagay ng droga sa baggage counter sa mall, nakababahala!
- BULGAR

- Jan 18, 2019
- 1 min read
IMBES na maubos na ang drogang salot sa lipunan, tila patuloy ang pagdami nito dahil sa mga gimik na naiisip ng mga sindikato na hanggang ngayon ay malaya pa ring sumisira sa ating bayan.
Sadyang nakababahala ang nangyayari ngayong kung saan ginagamit na rin umano ng mga sindikato ang baggage counters sa mga mall para makipagtransaksiyon sa kanilang mga binebentahang drug user.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino, may tao umanong magdedeposito ng baggage pagkatapos ay ibang tao ang kukuha nito.
Gayunman, ang tanging magagawa ng taumbayan ay makipagtulungan upang tuluyan ng matuldukan ang pagdami ng iligal na droga sa ating bansa.
Sa tulong nating lahat, sana ay matugis na kung sino ang nasa likod ng mga iligal na aktibidad.
Samantala, ang panawagan natin sa mga kinauukulan, mga baggage counter sa mall, bantayan nang sa gayun ay walang mapahamak na mamamayan!
Gayundin, makatutulong ang kumpletong surveillance camera sa loob ng mga mall at supermarket.
Paalala rin sa publiko na magdoble-ingat tayo, lalo na ngayong hindi natin alam kung sino pa ba ang totoo ang pagkatao.
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments