Tubero, patay sa roof deck ng ospital

DEDBOL na nang matagpuan ang isang tubero sa roof deck ng bagong gusali ng Chinese General Hospital and Medical Center, kamakalawa sa Sta. Cruz, Manila.
Kinilala ang biktima na si Alberto Baldoza, 48, maintenance/plumber ng Ecalnea Design and Engineering Services na nakatalaga sa naturang pagamutan at huling nanirahan sa Bgy. Sta. Lucia, Novaliches, Quezon City.
Batay sa ulat ni PO3 Dennis Suba, alas-10:05 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa roof deck ng bagong gusali ng naturang pagamutan.
Huli umanong nakitang buhay ang biktima ng isang John Marvin Ho, alas-8:05 ng gabi ng Enero 14 sa comfort room ng maintenance department ng pagamutan.
Hindi umano nakapag-duty si Baldoza, alas-3:00 ng hapon hanggang alas-12:00 ng hatinggabi at nang hanapin ay hindi na ito matagpuan.
Kinabukasan, nadiskubre na lamang ang bangkay ng biktima sa roof deck ng kanyang kasamahang si Larito Villarmia, kaya agad itong ipinagbigay-alam kay Gracieta Javier, na deputy administrator ng pagamutan at siya namang nagpaabot ng impormasyon sa Blumentritt Police Community Precinct (PCP).





Comments