SBU LADY RED SPIKERS, SINAKMAL DINUNGISAN ANG RECORD NG AU


BINIGO ng San Beda University ang asam ng defending champion Arellano University na elimination sweep matapos itarak ang 16-25, 25-17, 25-19, 18-25, 16-14 panalo sa 94th NCAA Women’s Volleyball Tournament sa FilOil Flying V Center, San Juan.
Humataw si Nieza Viray ng 17 puntos kasama ang 16 kills at 19 digs upang tulungan ang last year’s runner-up Lady Red Spikers na dungisan ang malinis na karta ng Lady Chiefs at makapuwersa ng three-way tie sa top spot ng team standings.
Kumayod si skipper Cesca Racraquin ng 16 markers, 15 digs at 10 excellent receptions para sa San Beda na sumalo sa Arellano U at College of Saint Benilde sa tuktok tangan ang tig-8-1 karta.
Matapos ipatupad ang quotient, hinirang na top seed ang Lady Blazers, laglag sa No. 2 ang Lady Chiefs at No. 3 ang Lady Red Spikers. “Malaking bagay ang panalo namin, nakita namin na ‘yung pinaghihirapan namin may resulta na maganda,” saad ni San Beda coach Nemesio Gavino.
Makahaharap ng Taft-based squad CSB ang mananalo sa pagitan ng UPHSD (5-3) at Jose Rizal (4-4) habang katapat ng No. 2 seed AU ang No.3 ranked SBU sa Final Four na hahataw sa Enero 22.
Samantala, sinelyuhan ng Chiefs ang third seed sa semifinals matapos kalusin ang Red Spikers, 17-25, 25-22, 25-16, 25-16, sa men’s play. (ATD)





Comments