Pinoy nalunod sa New Zealand, patay
NALUNOD ang Pinoy na estudyante habang nagsu-swimming dahilan ng pagkasawi nito sa New Zealand.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nalunod ang biktimang si Kent Espinosa, 26, sa Whangarei Falls.
Nasa school break umano ang biktima kaya nag-swimming ito kasama ang mga kaibigan.
Ayon sa DFA, nakikipag-ugnayan na si Ambassador Jesus Domingo ng Philippine Embassy sa Wellington sa Embahada ng New Zealand para sa paglalabas ng visa sa kapatid ng biktima na siyang mag-uuwi ng mga labi nito.





Comments