top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Motor sumalpok sa trak, rider utas

Maeng Santos
Jan 17, 2019
1 min read

DEDO ang isang rider matapos bumangga ang kanyang minamanehong motorsiklo sa likurang bahagi ng Isuzu Giga truck sa Valenzuela City, kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-arrival sa Valenzuela Medical Center si Albert Codina, 47, ng Bgy. Maysan, sanhi ng mga pinsala sa ulo at katawan.

Ayon kay Valenzuela Police Chief Senior Supt. David Nicolas Poklay, ala-1:30 ng madaling- araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng McArthur Highway northbound corner A. Fernando St., Bgy. Marulas.

Minamaneho ng biktima ang Honda Click at pauwi na nang bumangga ito sa likod ng trak na minamaneho ni Manolito Meude, 30, ng Biñan, Laguna.

Sa pahayag ni Meude sa traffic investigator, hinihintay niya ang paglipat sa kulay green ng stop light nang makarinig siya ng kalabog mula sa likuran ng kanyang minamanehong trak at laking-gulat na lamang nito nang makita ang biktima na nakahandusay sa semento.

Kasong reckless imprudence resulting in homicide at damage to property ang isinampa ng pulisya kay Meude sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page