top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga armas, pampasabog nasabat sa checkpoint

  • Jeff Tumbado
  • Jan 17, 2019
  • 1 min read

SAMU’T SARING armas, amunisyon at pampasabog ang nasabat ng pulisya mula sa limang lalaki kabilang ang isang barangay official na naharang sa checkpoint sa Barangay Calinan, Davao City, Martes ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Analiza Arquillano, barangay kagawad sa Magpet, North Cotabato, George Arquillano, Reynan Adame, Arnel Repollo at Renier Pedroso.

Ayon kay Senior Supt. Alexander Tagum, Director ng Davao City Police Office (DCPO), nakita umano sa loob ng pinarang pick-up truck ng mga suspek ang mga armas tulad ng kalibre .45, 9mm pistol, kalibre .30, M2 carbine, 13 magazines, mga bala at dalawang granada nang sila ay parahin sa checkpoint sa lugar.

Paliwanag ng grupo, plano umano nilang magtungo sa Davao International Airport dahil may susunduin at ihahatid ang mga ito.

Gayunman, sa ginawang pagsusuri ng isa sa mga pulis sa sasakyan ay napansin nito na may bitbit na carbine ang lalaki na sakay sa likuran ng pick-up na napag-alamang isa palang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (Cafgu).

Ani Tagum, wala silang maipakitang authority to possess o kahit Commission on Elections (Comelec) exemption.

Giit pa ni Tagum, alam ng mga nahuli na nagsimula nang ipatupad ang Comelec gun ban pero, ipinagpatuloy pa rin nila ang pagdala ng malalakas na uri ng armas maging ang eksplosibo.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at sa Comelec gun ban ang mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page