May ka-meet-up | KELOT NIRATRAT, UTAS

DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital ang umano’y tulak ng droga makaraang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Bgy. Sirang Lupa, Calamba City, Laguna.
Batay sa ulat, alas-7:45 ng gabi, sakay ng kanyang motorsiklo si Ruben Ramos, nang sundan ito saka pagbabarilin ng mga hindi nakikilalang salarin.
Tatlong tama ng bala ng baril ang tinamo nito.
Sa text message na nabasa ng mga imbestigador sa cellphone ni Ramos, nakasaad ang, ‘andito na ako’, mensahe mula kay alyas Rambo.
Nagpapatuloy naman ang pagsisiyasat ng pulisya sa insidente.





Comments