top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mapa-school, pera, career o love life man ‘yan, besh! MGA PARAAN UPANG DEHINS MATALO NG PROBLEMA

  • Jaxx
  • Jan 17, 2019
  • 2 min read

LABAN lang! ‘Ika nga nila, ang buhay natin ay isang ma­laking battlefield at nagsi­si­mula tayong sumabak dito sa pagka­ka­taon nang pag­mulat ng ating mga mata.

Sa araw-araw na pakiki­paglaban natin, gaano ba tayo kahanda? Kaya naman, sa pagsabak natin sa paniba­gong taon, narito ang ilang survival tips para sa ating pa­tuloy na lumalaban sa agos ng pana­hon:

1. NEVER EXPECT ANY­THING FROM ANYONE. Ngayong 2019, tulungan na­ting maging independent ang ating sarili. Napakahirap gawin, pero importanteng matutunan natin ito. Sa paglipas ng panahon, parami nang parami at pabigat nang pabigat ang mga bagay na dadalhin natin at hindi sa lahat ng pagkakataon ay may mga taong na­riyan para sumalo o lumaban kasama natin. Gets?

2. BLOCK OUT ALL THE NOISE AND DRAMA AROUND YOU. Mas magiging madali at magaan ang buhay natin kung iiwasan nating ma-involve sa drama ng mga taong nakapaligid sa atin. ‘Yung feeling na paulit-ulit na lang. Kaloka! Awat na tayo sa drama, hindi ‘yan healthy, beshy!

3. HYPER FOCUS ON YOUR GOALS AND AMBITIONS. Kung gusto nating maka-survive, mag-focus tayo sa mga goal natin sa buhay. Kung may bagay man na dapat “g na g” tayo, ito ay ang pag-abot sa mga pinapangarap natin. Dream high!

4. DON’T LET FAILURE STOP YOU. Lahat ay dumaraan dito at nasa atin kung paano natin ito haharapin. Si­yempre, dapat du’n tayo sa positibo. Sabi nga, “kung nadapa tayo, bangon agad” dahil kung pababayaan nating malugmok ang sarili natin, eh, wala, nga­nganga na lang tayo.

5. PUT ON BLINDERS AND WORK HARD. Hindi totoo ang “easy money” o ‘yung basta na lang nating makukuha ‘yung mga bagay na gusto natin. Kung gusto nating maka-survive, paghirapan natin at magugulat na lang tayo na sa kabila ng mga paghihirap na pinagdaanan natin, eh, malayo na pala ang ating narating. Go lang!

6. AVOID ALLOW NEGATIVITY. Bawal ang nega! Kaya kung napa­pansin nating nagiging nega na ang mga tao sa paligid natin, eh, exit na tayo dahil ‘pag lumalim pa ‘yan, mas mahihirapan lang tayong makaahon at hindi ma­ganda ‘yun. Okay?

7. KEEP A HEAD EVEN WHEN THINGS LOOK BLEAK AND SCARY. Para sa atin, ito ang ultimate key para maka-survive. Huwag natin hahayaang mapuno ang takot sa ating kalooban. Katapangan ang isa sa mga kinakailangan nating matutunan dahil kung wala tayo nito, matatalo tayo.

Kaya palagi nating tatandaan na ang struggle ay parte talaga ng buhay, pero may magagawa tayo para mas maging makabuhulan ang mga oras natin ha­bang hindi pa ito natatapos. Hindi madali, pero for sure, kaya natin ‘yan. Tayo pa ba? Aja! Hi-hi-hi!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page