top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

JAWO, INSPIRASYON NG BACOOR, KYUSI SA 6TH SPOT ULI NG MPBL

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 17, 2019
2 min read

NAKAHUGOT ng inspirasyon mula kay living legend Robert Jaworski, naging mentalidad ng Bacoor ang ‘never say die spirit’ kung kaya nakaangkin ng 92-86 upset win kontra powerhouse team Manila sa MPBL Datu Cup sa Olivarez College Gymnasium.

Isang triple-double performance ang nagawa ni Gab Banal para manguna sa Strikers matapos putulin ang apat na pagkatalo. Umibayo ang Strikers sa win-loss record na 9-9, patas sa Gen San Warriors sa fifth to sixth spots ng southern division ng torneo.

Ang pagkatalo ang ikaapat sa 20 laro ng Manila, ang parehong win-loss record na hawak ng San Juan. Sa bisa na rin ng maraming panalo, aangat ang Knights sa second spot at nakapuwesto ang Stars sa third.

Ang presensiya na rin ni Jaworski sa audience, na siyang nagpauso ng ‘never say die spirit mantra’ para sa Barangay Ginebra ang nagsilbing rallying point para sa Strikers. “We had brunch with Senator Jaworski and somehow, the players were motivated to come back and get better,” ayon kay Chaye Cabal-Revilla, ang team owner ng Bacoor MPBL team.

Si Banal, na tumapos ng 17 points, 15 rebounds at 10 assists ay naniniwalang ang lahat ay maiaayos din para sa Strikers ngayong taong 2019. “This is what you called progression. The numbers I put up won’t be anything if not for my teammates hitting their shots,” dagdag ni Banal.

Tinalo ng Quezon City ang Parañaque, 65-64 sa isa pang exciting na engkuwentro. Namuno si Andrew Estrella para sa Black Mamba-backed Capitals. Tumapos si Estrel­la ng 25 points upang pamunuan ang Capitals para sa eighth win sa 17 games pagkabalik ng team sa sixth spot sa pahirapang northern division ng torneo. Ang pagkatalo ay ika-11 sa 19 games para sa Patriots, na lumagpak sa no. 9 ng south. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page