HOROSCOPE | ENERO 17, 2019 (Huwebes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG ENERO 17, 2019 (Huwebes): Itinakda ng kapalaran na tumulong ka sa ibang tao, pero dapat mong malaman na kailangan mo rin ng maunlad na buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kapag nahirapan kang tuparin ang iyong mga kagustuhan, makampante ka na lang. Kikilos ang iyong kapalaran at ang iyong mga pangarap ay tiyak na matutupad. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-11-16-22-28-32.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang mabahala kapag nasingitan ka ng iyong karibal. Pansamantala lang ang kanyang kasiyahan dahil hindi magtatagal, maiiwanan mo siya nang milya-milya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-13-29-30-34-41.
GEMINI (May 21- June 20) - Sadyang mabagal ang ikot ng orasyon ng Gulong ng Kapalaran, kaya dapat kang maghintay at huwag kang mainip. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-20-27-29-30-35-42.
CANCER (June 21- July 22) - Kapag ang tinanaw mo ay ang mga problema, maiinis ka lang. Kaya ang payo sa iyo, i-enjoy mo lang ang buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-27-31-33-37-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag hindi dumating ang maganda mong kapalaran, hindi magdadalawang-isip ang langit na ibigay sa iba ang magagandang oportunidad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-18-21-25-34-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lalong babagal ang takbo ng iyong buhay kapag hindi ka tumigil sa kaiisip ng ibang ideya. Bibilis ito kapag ang mga nabuo mong plano ay ginawa mo na ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-16-26-34-36-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang kailangan sa iyo, ‘yun lang ang ibigay mo. Huwag kang sobra-sobra kung magbigay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-15-20-23-30-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nilalayuan ang mga taong matitigas ang ulo. Kapag napansin mong kontra sa iyo ang malalapit sa buhay mo, dapat mo silang layuan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-14-26-32-39-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagiging dalawa ang isa. Hindi ito imposible lalo na sa larangan ng pag-ibig at ang isa pang katotohanan, ang dalawa ay maaari pang maging tatlo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-15-23-30-38-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pagtakpan ang katotohanan dahil ang mga karamdaman ay nagmumula sa mga hindi inamin sa nakaraan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-16-24-38-43-46.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pinapalitan ang mga pormula na hindi na umuubra. Kailangan mong magpokus nang sa gayun ay gumanda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-15-25-33-40-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tahimik mong hintayin ang pagbabago na gagawin ng langit sa iyong kapalaran. Huwag mong kaliligtaan na ang nasa itaas ang higit na nakaaalam kung ano ang mabuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-19-20-36-40.




Comments