top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Hirit sa DOE | PRICING SCHEME NG OIL COMPANIES, ISAPUBLIKO

Vyne Reyes
Jan 17, 2019
1 min read

KINALAMPAG ng mga militanteng mambabatas ang Department of Energy (DOE) upang magpalabas ng memorandum na mag-aatas sa mga kumpanya ng langis na magpakita ng kanilang pricing scheme sa mga produktong petrolyo.

Ipinalalahad sa memo ang pag-oobliga sa oil companies na ilahad ang breakdown ng kanilang sinisingil sa mga konsiyumer upang matukoy kung lumalabis o makatwiran lang ang nagiging pagbabago sa presyo ng langis.

Ayon sa Bayan Muna Partylist Group, nakatanggap sila ng impormasyon na pini-pressure ng mga kumpanya ng langis ang DOE para huwag ipalabas ang memorandum at maitago ang pricing mechanism ng mga ito.

Sinasabing mahigit isang taon na ang nakalipas nang unang hingin ng House Committee on Energy ang pricing data mula sa oil companies ngunit, bigo pa rin na matugunan ito kaya binabalak na ng ilang mambabatas na ipursige ang paggamit ng subpoena at contempt powers ng kapulungan.

Sa ilalim ng Sections 12 at 15 ng Oil Deregulation Law, pupuwedeng kunin ang pricing data ng oil companies kung kinakailangan.

Ang nasabing apela sa DOE ay sa harap na rin ng implementasyon ng ikalawang bugso ng TRAIN Law na nagdaragdag sa excise tax ng mga produktong petrolyo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page