top of page
Pokwang.jpg

Building niratrat, 11 todas

Jersey Sanchez
Jan 17, 2019
1 min read

NASAWI ang 11 katao matapos ang pag-atake ng armadong kalalakihan sa gusali sa Nairobi, Kenya.

Ayon sa mga awtoridad, isa umanong ‘terror attack’ ang insidente.

Kasalukuyan pang nililinis ang lugar kung saan naganap ang pag-atake at inaasahan pa nila ang pagtaas ng bilang ng mga nasawi, ayon kay Ministry of Interior and Coordination of National Cabinet Secretary Fred Matiang.

Matatandaang, pinasok ng Somali Islamist militant group na Al-Shabaab ang five-star hotel at pinasabugan ang ilang sasakyan habang pinagbabaril ang mga ito.

Hinikayat ng awtoridad ang publiko na huwag magpakalat ng maling impormasyon sa mga residente.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page