top of page

Taliwas sa paniniwalang bad sa health dahil sa cholesterol...PAGKAIN NG MAYONNAISE, EPEKTIB NA PANLA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 16, 2019
  • 2 min read

MARAMI sa mga Pinoy ang mahilig sa palaman na mayonnaise, kaya kahit alam natin na hindi ito maganda sa kalusugan dahil sa mataas na cholesterol nito, eh, sige pa rin tayo sa pagkain. Pero, knows ba ninyong ang pagkain umano nito ay epektibong panlaban sa atake sa puso? Weh, ‘di nga?

Ayon sa pag-aaral, ang mayonnaise umano ay mayroong Vitamin E na nakape-prevent ng stroke. Ang tanong, paano?

Ito ay dahil natuklasan ng mga eksperto na ang Omega-3 na mayroon ang mayo ay nakagaganda sa puso, ito rin ang dahilan kung bakit maiiwasan ang pagkakaroon ng heart attack gayunman, kapag kumakain tayo ng mayo, mas naa-absorb natin ang nutrients ng bawat kinakain natin, ito ay dahil karamihan sa mga vitamin at mineral na mayroon ang mayo tulad ng Vitamins A, D, E at K ay tinatawag nilang fat soluble.

Ibig sabihin, kinakailangan ng fat upang ma-absorb ang sustansiyang mayroon ang pagkain. Dagdag pa rito, hindi natin kailangang mag-alala dahil mataas ang mayo sa good fat at Vitamin E.

Kaya kung nagda-diet kayo, mga besh, oks lang kumain ng mayo dahil dehins naman pala ito sobrang masama sa ating kalusugan.

Pero, ang paalala ng mga eksperto, mainam kung lilimitahan pa rin ang pagkain nito nang sa gayun ay hindi tayo magsisi sa huli, pero, at least, ngayon alam n’yo na kung ano ang health benefits na makukuha n’yo rito at hindi na kayo basta kain lang nang kain. He-he-he!

Lalo na sa mahihilig maglagay nito sa kanilang burger at hotdog sandwich o kaya ay sawsawan ng french fries at iba’t ibang salad.

Alam naman nating maraming pagkaing ginagamitan ng mayo ang talaga namang pasok sa budget at panlasa ng mga tao, kaya huwag tayong matakot na subukan at tikman ito, ‘ika nga ng iba, yolo (you ony live once)! Ha-ha-ha!

Oh, ayan, mga beshy, sana ay may natutunan kayo tungkol sa mga benepisyong maidudulot ng mayonnaise sa ating buhay.

Be healthy, always! Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page