top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Singer, binash, rumesbak… MOIRA AT MADIR, PAREHO RAW MALAPAD ANG MUKHA KAYA INIWAN NG PADIR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 16, 2019
  • 2 min read

BAGO pa ang garden wedding nina Moira dela Torre at Jason Marvin nu’ng January 14 sa Tagaytay, ‘di napigilang sagutin ng singer ang isang basher na nanlait sa kanya.

Last January 5 ay nag-post si Moira sa kanyang Instagram account kung saan ipinahayag nito kung gaano siya ka-excited sa nalalapit na kasal nila ng fiancé. Nagkomento ang naturang basher na ‘wag magpo-ponytail si Moira sa araw ng kasal nila dahil baka madismaya ang groom sa laki ng mukha niya.

Agad naman itong sinagot ng singer na ‘di niya iba-block ang naturang basher para makita nito na hindi madidismaya sa kanya si Jason at ang pagmamahal nito sa kanya ay ‘di nakabase sa pisikal lang.

Nang hingan namin ng reaksiyon tungkol dito si Moira, nagkuwento sa amin ang singer na lahat daw ng accounts niya ay bina-bash ng naturang basher at pati pamilya niya ay idinadamay.

Isang pagkakataon nga ay nagkomento ito sa ipinost ni Moira na larawan ng ina at sinabing pareho palang malapad ang mukha nila, kaya pala ito iniwanan ng kanyang ama.

Tsinek niya ang naturang account at sa huli ay nalaman ni Moira na isa lang pala itong dummy account at ipinagpapasalamat niya na ‘di ito maba-bash ng ibang tao.

Siniguro naman sa amin ng singer na tanggap niya na malaki siya at ang ginawa niya ay tumayo at manindigan lang para sa mga taong nakakahon sa kung ano ang depinisyon nila ng kagandahan.

‘Di naman niya itinago sa amin na produkto siya ng isang broken family at nu’ng nakaraang Noche Buena ang kauna-unahang pagkakataon na nagsama ang ina at ama niya kasama na ang kani-kanyang pamilya ng mga ito at ang pamilya ni Jason.

Ayon nga kay Moira, alam niya ngayon na magkakaroon na siya ng sarili niyang pamilya at hindi na siya hati tulad dati.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page