top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Parak binentahan ng droga, 3 tiklo

Maeng Santos
Jan 16, 2019
1 min read

TATLO kabilang ang dalawang babaeng hinihinalang drug pushers ang naaresto matapos magbenta ng shabu sa pulis sa ikinasang buy-bust operation sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit Head PCI Rengie Deimos, alas-3:00 ng madaling-araw nang ikasa ng mga operatiba ng SDEU at PCP-2 sa pangunguna ni PCI Merben Bryan Lago ang buy-bust operation kontra sa dalawang drug pushers na si Jackylyn de Jesus alyas Jacky, 35, at Catherine Fragata, 33, sa kahabaan ng Millionares St., Bgy. 8.

Nagawang makabili ng undercover police na nagpanggap na poseur-buyer ng isang sachet ng shabu sa mga suspek kapalit ng P300 marked money at nang magkaabutan, agad sumugod ang back-up na mga operatiba saka inaresto sina De Jesus at Fragata.

Bukod sa nabiling shabu at buy-bust money, narekober din sa mga suspek ang anim na plastic sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu, habang inaresto rin si Roel Patindol, 46, user na kasama ng dalawang babae.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page