top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Panibagong parusa sa mga motorista, abangan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 16, 2019
1 min read

Isasarado pala ang Rockwell Bridge sa Enero 19.

Pukawnamooo!

◘◘◘

LALONG sisikip ang trapik dahil alternatibong ruta ito patungong Mandaluyong at San Juan hanggang Quezon City mula sa Makati at Pasay.

Parusa ito sa mga motorista!

◘◘◘

KAHIT si dating MMDA Chairman Francis Tolentino ay pumapalag sa desisyong ito.

Kinumpirma ni Tolentino na malaking bagay ang Estrella-Pantaleon Bridge sa ginhawang biyahe!

◘◘◘

TUTOL si Tolentino na sirain ang naturang tulay hangga’t wala pang naitatayong bagong tulay na maaaring magamit ng mga motorista.

‘Yan ay simpleng sentido-komon na dapat pag-isipan ng mga awtoridad!

◘◘◘

IBINUNYAG na aabot sa dalawa at kalahating taon bago matapos ang konstruk­siyon ng naturang tulay.

Magdurusa nang todo ang taumbayan!

◘◘◘

Sa totoo lang, noong 2011 nabuksan ang Estrella-Pantaleon o Rockwell Bridge na nagseserbisyo sa humigit-kumulang isandaang libong sasakyan kada araw.

Kumbaga, nag-aksaya ng kuwarta ng taumbayan ang mga kinauukulan.

Anubayannn?

◘◘◘

MARAMI pang pro­yekto ang nakaiskedyul na gawin, pero bakit hindi na lang gumawa ng dagdag na tulay bago sirain ang isang maayos at nagseserbisyo pang daanan ng mga tao?

Walang maayos na paliwanag dito ang mga awtoridad!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page