P25 milyong shabu, nasabat
- Jeff Tumbado
- Jan 16, 2019
- 1 min read
NASABAT ng pulisya ang nasa P25 milyong high-grade shabu sa Cebu City.
Kasabay ng operasyon ang pagkakadakip sa courier ng kontrabando na si Alfred Gabunia, 35, ng Bgy. Basak, San Nicolas.
Nabatid kay Chief Insp. Regino Maramag na isinagawa ang operasyon sa Bato Carbon sa Bgy. Ermita nitong Lunes ng gabi.
Nakuha kay Gabunia ang ilang pakete ng shabu na tumitimbang ng nasa 3.6 kilos na nagkakahalaga ng P25 milyon.
Napag-alaman sa report na kilalang distributor ng shabu si Gabunia sa Cebu City at mga kalapit na siyudad ng Mandaue, Lapu-Lapu at iba pa.





Comments