top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Lalo na kung alam niya ang prayoridad niya sa buhay, mamsh! | BABAENG SA SANDALING MAPANGASAWA ANG B

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 16, 2019
2 min read

Dear Maestro,

May boyfriend ako ngayon, Maestro, anong kapalaran ang naghihintay sa amin? Labis akong nag-aalala kung dapat ba akong mag-asawa o hindi? Kung talagang ganu’n ang kapalaran ko, okay lang, ayaw ko ring matulad ang papasukin kong pag-aasawa sa mga kapatid ko na nahiwalay lang sa asawa nila at pagkatapos ay nahirapang buhayin ang mga pamangkin ko. Ayokong matulad sa kanila dahil kung ako lang ang masusunod at ganu’ng kalagayan ang sasapitin ko, ‘yung iiwanan din ng asawa at mahihiwalay lang, mas pipiliin ko pang tumandang dalaga, habambuhay. December 7, 1992 ang birthday ko at March 29, 1989 naman ang birthday ng boyfriend ko.

Umaasa,

Carmina ng San Gabriel, Sta. Maria, Bulacan

Dear Carmina, Depende sa lalaking mapapangasawa ng babae ang dapat na maging basehan kung siya ba ay mag-aasawa o pipiliin na lang niyang tumandang dalaga, habambuhay.

Halimbawa, sa kaso mo, Carmina, ang dapat mong pagbasehan ng iyong desisyon ay kung anong klase ng tao ba ang boyfriend mo sa kasalukuyan.

Ang espesipik na halimbawa ay ganito, kung matino naman ang boyfriend mo, walang bisyo, may magandang trabaho at mahal mo, bakit ka natatakot mag-asawa?

Sa katunayan, ang birth date mong 7 at ang birth date na 29 o 2 (2+9=11/ 1+1=2) ng boyfriend mo ay sadyang compatible talaga, gayundin, ang zodiac sign mong Sagittarius at Aries naman ang boyfriend mo ay sadyang tugma rin sa isa’t isa dahil kapwa kayo pinaghaharian ng elementong apoy.

Pero, kung batugan ang boyfriend mo, walang trabaho, maraming bisyo, pangit ang background ng pamilya, eh, kahit na ka-compatible mo siya, hindi mo siya dapat mapangasawa dahil kung ganu’n ang ugali niya, walang iniwan sa kasabihan ng mga matatanda ang maaaring mangyari sa inyong pag-aasawa: “para ka lang kumuha ng bato na ipupukpok mo sa iyong ulo”!

Ganu’n ang buhay natin dito sa mundo. Kikilalanin mo munang mabuti ang background at ugali ng lalaking mapapangasawa mo, bago mo siya pakasalan at pagkatapos i-apply natin ngayon ang teoriya o batas ng compatibility.

Tandaang, ang unang-unang dapat mapangasawa ng babae na gusto ng mag-asawa ay may trabaho at mabait dahil kung walang trabaho at marami pang bisyo, anong ligaya kaya ang makukuha mo sa lalaking ‘yan at siyempre mahalaga rin na mahal mo siya.

Kung may trabaho naman, pero lasenggo, sugarol, babaero at maraming bisyo, ano kayang ligaya ang makukuha mo sa ganyang klase ng lalaki?

Pagkatapos kapag nasigurado mo nang may “future” ka sa kanya at mabait ang lalaking ito, ang isa pang kailangan ay compatible kayong dalawa sa Numerology at Astrology upang suwabeng-suwabeng umusad ang isang maunlad at maligayang relasyon, habambuhay.

Sa madaling salita, kung may trabaho ang lalaking sinasabi mo, matino ang kanyang pamilya o lahing pinanggalingan, wala siyang bisyo at pagkatapos ay mahal na mahal mo siya.

Kung oo, ang iyong tugon, tiyak ang magaganap sa susunod na taong 2020, hindi na maiiwasang mabuo ang maligaya at panghabambuhay ninyong relasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page