Kaya kulayan mo na ang matagal ng na-drawing ng barkada, lodi! | TIPS PARA SA MAS MADALING PAGTA-TRA
- Jersy Sanchez
- Jan 16, 2019
- 2 min read

BET mo bang mag-travel goals ngayong 2019 o gusto mong malaman kung ano ang mauuso ngayong taon pagdating sa pagta-travel? Relax ka lang, lodi, dahil narito na ang 6 travel trends ngayong 2019:
1. SOLO TRAVEL. Ayon sa pag-aaral, tumaas ng 38 porsiyento ang bilang ng mga solo traveler. Gayundin, magandang paraan ito upang maging independent ang indibidwal, nasa loob o labas man siya ng bansa. Extra ingat lang, mga lodi! He-he-he!
2. MOBILE BOOKING. Noong 2018, umusbong ang paggamit ng mobile booking para sa mga hotel at flight. Ngayong taon, inaasahan ng mga eksperto ang pagdami ng mga taong gumagamit ng mobile booking dahil sa convenience na nakukuha mula sa pagbu-book dito.
3. INSTANT ADVENTURES. Ayon sa pag-aaral, sa panahon ngayon, karamihan sa mga nagta-travel ay walang itinerary, kaya nagpaplano lamang ang mga ito kapag nakapunta na sila sa kanilang destinasyon. Mahirap mag-travel nang walang itinerary para sa iba, ngunit, dahil sa tulong ng mobile booking, napu-push pa rin ito ng ibang travelers. ‘Ika nga nila, mas masaya ‘yung hindi planado, pero nasa inyo pa rin naman ‘yun. He-he-he!
4. OFF-PEAK TRAVEL. Hindi gaanong uso ang off-peak travel noong mga nagdaang taon, ngunit, ayon sa mga travel expert, may advantage ito tulad ng murang flight tickets at kaunting tao sa tourist spots. Kaya ngayong 2019, sinigurado ng mga eksperto na darami na ang mga turistang bibiyahe kahit off-peak. Copy?
5. BEACH & CITIES. Madalas na nalilito ang mga traveler kung dagat o siyudad ang kanilang pupuntahan. Ngunit, ngayong 2019, why not to try both, kung puwede naman, ‘di ba? Ayon sa mga eksperto, patok ngayong taon ang mga lugar na may magagandang beach at siyudad tulad ng Miami, Dubai, Sydney at Chicago. Hindi ka na namili kung beach o city, sulit pa ang pagbiyahe mo.
6. IN-DESTINATION ACTIVITIES. Ayon sa mga eksperto, dumarami ang bilang ng mga traveler na gustong maranasan ang kultura sa mga lugar na pinupuntahan nila. Gayundin, gusto nilang masubukan ang mga bagay na ginagawa ng mga lokal at maging ang kinakain ng mga ito. Kaya go na, beshy!
Siguradong hindi kayo mahuhuli sa mga mauuso pagdating sa pagta-travel ngayong taon dahil dito. Make sure lang na kumpleto na ang inyong itinerary, para chill-chill na lang kayo sa pagta-travel.
Copy?




Comments