top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kahulugan na mabilis na yayaman

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 16, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Roralyn ng Roralyn_Malco@facebook.com

Dear Professor,

Ano ang ibig sabihin ng sinusukat ko ang mga sapatos na ipinamimigay?

Naghihintay,

Roralyn

Sa iyo Roralyn, Sa ngayon, halos lahat ng tao lalo na ang mga Pinoy ay gustong umasenso. Nakatutuwa ang ganitong buhay ng mga Pinoy, maybe, hindi na magtatagal at ang ating bansa ay mapabibilang na rin sa mauunlad.

Noon, ang mga Pinoy ay kuntento na sa kung ano lang ang kanilang buhay. Magtatanim at aanihin ang kanilang itinanim.

Ipinagdiriwang pa ang harvest time kahit kaunti lang ang ani kaya ang kaunting inani ay nababawasan pa dahil ang mga Pinoy, palaging bongga kung maghanda.

Nang dumating ang panahon ng mga Kastila, lalong naging bongga ang piyesta at nadagdagan pa ang bilang ng mga pagdiriwang, noon kasi harvest time lang ang masayang isinasagawa, pero noong panahon ng mga Kastila, lahat ng kaarawan ng mga santo at kung anu-ano pang okasyon ay isinama na rin sa mga araw ng pagpipiyesta.

Pero, nang dumating ang mga Amerikano, maraming Pinoy ang natutong maghangad ng yaman kaya ang mga magsasaka ay unti-unting nabawasan ang bilang dahil nagpuntahan sa Maynila at namasukan.

Ang iba, ibinenta ang sakahan at nagtayo ng mga negosyo.

Kaya ang Pilipinas ay naitala noong pinakamaunlad na bansa sa buong Asya.

Muling nagbalik sa kamalayan ng mga Pinoy ang magpayaman, kaya maaaring hindi magtatagal ay aangat na naman ang ating bansa.

Ang katotohanang ito ay nagpapakita na ang lahat ng tao ay gustong magnegosyo, kumbaga, “all are aiming for a successful life”.

Pero, hindi madali ang magtagumpay sa buhay dahil bago pumasok sa anumang larangan, dapat ay may dala-dala tayong sandata ng kapalaran na kung tawagin ay “the key of successful life”.

Isang lihim ang itinuro sa iyo ng panaginip na kung mauunawaan mo at isasabuhay, sure na sure na mabilis kang yayaman. Ano kaya ‘yun? “Size up!”, ito ang susi sa tagumpay kung kailan bago ka pumasok sa anumang gusto mong gawin sa buhay, sukatin mo muna ang iyong kakayahan, gayundin, hanapin mo ang mga tao na makatutulong sa iyo para sa anumang oportunidad na ilalagay sa harapan mo.

Kumbaga, huwag kang tutulad sa iba na sugod nang sugod dahil akala nila sapat na ang kanilang lakas ng loob para umasenso.

Hindi tama ang ganu’n at marami sa nag-akalang lakas lang ng loob ang kailangan ay napabilang sa mga nabigo, nalugi at nasira ang buhay.

Pagkatapos mong isagawa ang “size up” at nakita mong okay ang hakbang na ito, isunod mo naman ang payo na “sunggaban mo na ito”.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page