top of page
Pokwang.jpg

HOROSCOPE | ENERO 16, 2019 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 16, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ENERO 16, 2019 (Miyerkules): Ginagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang na malayo ang iyong mararating, ibig sabihin, magiging matagumpay ka sa buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Napakataas ng antas ng iyong imahinasyon. Gamitin mo ito sa pagpapaunlad ng iyong kabuhayan nang sa gayun ay lalong lumaki ang agwat mo sa iyong mga kasabayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-19-25-28-35-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang nasa isip mo, ‘yun ang mangyayari sa buhay mo. Kaya ang payo sa iyo, isipin mo ang iyong pangarap upang magkaroon ito ng katuparan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-9-11-18-20-35.

GEMINI (May 21- June 20) - Kung saan masarap makipagsapalaran, doon ka. Ang totoo, kaya tayo nabubuhay ay dahil sa pakikipagsapalaran. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-10-19-28-34-41.

CANCER (June 21- July 22) - Darayain ka ng iyong damdamin. Kaya kung puwede ay isip muna ang iyong gamitin. Ang taong nag-iisip ay hindi madaraya ng kanyang emosyon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-16-25-38-39-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong atrasan ang hamon ng iyong kapalaran na may kaugnayan sa pagpapakita ng iyong likas na galing sa pagguhit o paglikha ng mga larawan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-18-20-31-33-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Marami sa maririnig mo ay hindi totoo. Kaya hindi inirerekomenda ngayon na magsiyasat ka o hanapin mo kung ano ang totoo dahil mauubos lang ang iyong oras. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-22-27-41-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag ka kaagad sasakay sa magagandang sasabihin ng malapit sa puso mo. Mas mabuti na siya na lang ang pasakayin mo sa mga pangakong hindi mo pa kayang gawin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-15-20-21-39-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung saan may hamon para sa iyo ang kapalaran, sunggaban mo ito dahil kapag nagtagumpay ka, napakalaking yaman ang mapasasaiyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-12-22-27-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagbababala ang araw na ito na ikaw mismo ang daraya sa sarili mo. Mangyayari ito kapag hindi ka nakinig sa mga payo ng malalapit sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-18-21-29-30-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang maglalabas ng malaking halaga dahil ang babala ay nagsasabing, papalaki nang papalaki ang itataya mo sa walang katiyakang pagsusugal sa buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-17-28-33-37-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahirap mabigo lalo na ang tulad mong marami nang kabiguang naranasan. Pumayag ka na sa mga gustong maging bahagi ng iyong buhay. Ito ang iyong pakinggan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-5-22-28-30-33.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Kung gusto mong simulan ang iyong pagpapayaman, ngayon ang pinakamagandang panahon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-11-14-28-39-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page