top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Grabe na 'to, Alden! ARJO, SINUNDO SI MAINE SA EAT BULAGA! NG BMW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 16, 2019
  • 3 min read

MUKHANG pursigido talaga si Arjo Atayde sa panliligaw kay Maine Mendoza dahil tuluy-tuloy lang ang pagde-date nila.

Spotted na naman sila base sa mga naglabasang photos na kuha sa VR+ na ipinost din ng fashionpulis.com.

Tanong tuloy ng mga netizens, bakit hindi raw magpakuha na magkasama sina Arjo at Maine para ma-confirm na totoo nga ang lumabas na photos at hindi na pagdudahan pa?

Tugon naman ng ilang netizens, baka naman sila-sila lang ang nagkukuhanan ng picture, kaya hindi sila magkasama.

“Malamang sa isang pic ay si Maine ang kumuha at sa isa naman ay si Arjo, puwedeng wala silang tripod kaya ‘di sila puwedeng magsama sa pics,” sey ng isang netizen. Ilan pa sa mga comments ng mga netizens:

“Wala na tayong pakialam d’yan. Wala na ring dapat pakialam ang mga diehard AlDub fans d’yan dahil ‘di sila dapat makialam sa private lives ng idols nila. Purely professional lang ang short-lived LT nila.”

“Oh, baka sabihin ng mga delulus, promo na naman ‘yan. Tapos na ang pelikula, ‘no! Consistent talaga sila every weekend kung mag-date.”

“Arjo is so persistent with pursuing Maine even though he and his family have been bashed big-time. I respect him for that.”

May nakita pa raw na sinundo ni Arjo si Maine sa APT Studios kung saan doon ginanap ang Eat… Bulaga! dala ang kanyang BMW luxury car.

Sabi pa ng mga netizens, “Agree, Arjo is the sweetest.”

“Agree... Nanindigan... Kahit below the belt ang tirada ng mga bashers... Mukhang tinamaan silang pareho... Sana, mag-work... at magtagal... As in, may direction... ‘yung tipong pang-settling down...”

“Me, too. I like him and respect him and his family na kasi hindi sila nagpaapekto sa mga hanash ng netizens. Love and respect lang.”

“They spend all their free time together. Nambakod na si Arjo. ‘Yung mga ganyang galawan, baka ikasal na ‘yan soon, hehe.”

“Korek! Sa dami ng movies plus teleserye na ginagawa n’ya, kahit ipapahinga na lang n’ya, basta free sila both, quality time na agad. Sana, sila na ‘til the end.”

“Oh, lagi silang nagbi-virtual reality? Ang cool naman. Tapos, ‘yung iba, sasabihin walwal ang laging ganap sa kanila. Ang saya nga ng mga activities nila, eh. Si Arjo, nanliligaw ‘yan, kasi kinakaibigan n’ya na rin friends ni Maine. Minsan, nakita ko ring may pics ang friends ni Maine d’yan tapos nagpunta pa sila sa La Union.”

“Walang masama, parehong single. ‘Yung ‘di naniniwala kina Alden at Maine na friends lang sila, ‘di tunay na fans. Bakit? Eh, di nila pinaniniwalaan mga sinasabi, eh. Ganu’n lang ‘yun.”

Well, abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata. For sure, may matinding pasabog si Arjo sa Valentine’s date nila ni Maine.

Anyway, nagpasalamat naman si Arjo sa pagkakataon na maging bida sa isang comedy film, ang ‘Tol na ipapalabas na sa January 30.

Ayon sa IG post niya, “All my life, I’ve always dreamt of being a comedian! To be honest, ‘di ko alam kung paano ako napunta sa drama at action. Don’t get me wrong, I’m thankful, grateful, and blessed to have had the opportunity to do such roles. After 7 years of concentrating on being a villain in drama or action, who would’ve thought that my first lead role in a movie would be comedy?!

“I tell you this, God has his ways of making your dreams come true. It might not be now but if you work enough for it, it will happen. Thank you again to @realityentertainment @erikmatti @dondonmonteverde for actually making biggie chen, and lando happen. Ladies and gentlemen this coming January 30, 2019, one of my dream roles is about to happen along side @senorita_jessy , @opisyali.ketchup, and @joross_gamboa - had fun shooting with the 3 of you. One for the books! #TOL KAGULO TO!. Directed by: @mikopunch.” Nagkasunud-sunod nga ang mga projects ni Arjo dahil magsisimula na rin ang The General’s Daughter na pagbibidahan ni Angel Locsin na nagbabalik-primetime, kung saan pinahanga niya nang husto si Maricel Soriano sa kahusayan sa pag-arte.

Come February, ipapalabas naman ang second movie nila ni Jessy Mendiola na Stranded na mula sa Regal Entertainment.

Siya rin pala ang nasa cover ng Mega Man na supplement ng Mega magazine na si Regine Velasquez-Alcasid ang nasa cover sa January issue.

Pero unfair naman kay Arjo na dahil ito sa pagkaka-link niya kay Maine, dahil karamihan dito ay naisara na at nasimulan na bago pa sila nagkasama sa Jack Em Popoy: The PulisCredibles na palabas pa rin sa mga sinehan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page