Bahay nasunog, 3 na-trap, dedbol
DEDO ang tatlo katao matapos ma-trap at ma-suffocate sa kanilang bahay na nasunog kahapon ng umaga sa Sampaloc, Manila.
Kinilala ni FS/Insp. Reden Alumno, ang mga biktima na sina Lynn Rose Valentine, 50; Sibjordan Valentine, 26, at Grenre Tropicales, 17, pawang mga residente ng Doña Maria St., Sampaloc.
Ayon sa survivor na si Roselyn Salcedo, anak ni Lynn Rose, nasa unang palapag siya ng bahay at kahit na umano masakit na ang kanyang mga mata sa usok ay pinilit niyang makalabas ng bahay.
Si Salcedo ay nagtamo ng mga pasa sa braso at kamay.
Walang itinaas na alarma ang BFS sa sunog na nagsimula alas-6:17 ng umaga at idineklarang fireout alas-6:47 ng umaga.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, posibleng faulty wiring na nanggaling sa kisame ng dalawang palapag na bahay nagsimula ang sunog.
Hinalang nahirapang makababa at makalabas ng bahay ang mga biktima na nasa ikalawang palapag dahil sa maraming nakaharang sa mga daraanan.





Comments