ADDITIONAL ONE WIN SA SANTA ANA PARK

MAY kahirapan ang line-up ngayon sa karerang magaganap sa “Additional One Win in Group Races” sa pagtikada ng laban sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.
Sa bibitawang Condition Race, 3 Year Old and Above Maiden Race, at Group Race masasabing kahit papaano ay makalulusot na dehado.
Gaya na lang sa Race 1, na tatakbuhin ng pitong kalahok kasabay ng panimula ng Winner-Take-All (WTA), sinasabing may kahirapang pumili ng kabayo. Pinapaboran ang Wessfacckol, Warrior Heart at Vera Cruz, isama ang Ahala sa mga kukunin na pamoste sa WTA.
Sa Race 2 kung saan mag-uumpisa ang Pick 6, nakalalamang ang Northern Fame at posibleng tumalo ang Right Answer at Batang Madrid na sasakyan n Jockey A.M Tancioco.
Tatlong kalahok din ang pinagpipilian sa Race 3 na simula nang Pick 5, na pinapaboran ng Ava’s Dream sa mga makakalaban na Certain To Win at Gee’s Prize.
Pamoste sa Race 4 para sa panimula ng Pick 4 ang Aim Thirty One, habang ang Spin Move at Strong Leader ang makakalaban sa Condition Race.
Pinapaboran naman ang Faithful Wife sa Race No. 5 habang makakalaban ang Fire Councilar, Heat Resistant at Can’t Rule Out.
Maglalaban ang mga kalahok na Lirpa’s Choice, Star Light at ang Maker’s Mark at dito nakalalamang ang Star Light. Magsisilbing parating ang Daldalero at Black Magic Woman sa WTA, Pick 6 at 5. Race 1- Wessfacckol (7) Warrior Heart(1) Race 2- Northern Fame(4) Batang Madrid (5) Race 3 - Certain To Win(5) Ava’s Dream(3) Race 4- Aim Thirty One(6) Spin Move (2) Race 5- Faithful Wife(5) Fire Council (6) Race 6- Lirpa’s Choice (2) Star Light (3) Race 7 - Daldalero (1) Black Magic Woman (9) WTA(1-7) 2-7/4-5/5-3/6/5/1-2-3/1-9 : Pick 6(2-7) 4-5/5-3/6/5/1-2-3/1-9: Pick 5(3-7) 5-3/5-3/6/5/1-2-3/1-9 Pick 4(4-7) 6/5/1-2-3/1-9.





Comments