top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

3 Sasakyan nagkarambola, 3 dedo

Jeff Tumbado
Jan 16, 2019
1 min read

TATLO katao ang nasawi habang may ilan ding nasugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Cotabato.

Isa-isang hinugot ng rescue team ang mga biktima na naipit sa kani-kanilang sasakyan na nakilalang si Edelbert Gawat, 40, driver ng traysikel at ang 66-anyos na ina na si Veronica, kapwa residente ng Pigcawayan City at ang 15-anyos na pasaherong si Yasser Kinla ng Bgy. Bannawag, Kabacan.

Binawian ng buhay ang tatlong nabanggit habang isinusugod sa magkakahiwalay na ospital sanhi ng tinamong grabeng pinsala sa ulo at katawan.

Sugatan naman sina Charlene Gawat, 38, ng Bgy. Bannawag, Kabacan; Hasim Kinala, 24; Haron Kinala, 19, at Esmail Mohammed, 21, pawang sakay ng KIA Bongo, mula sa Pigcawayan, North Cotabato.

Nagtamo rin ng sugat ang mga sakay ng Toyota Hilux pick-up na si Ridznul Tandih, 34, driver, mga kasama na sina Randy Misil, 36; Bakil Jundan, 45; Salip Allahibar, 25, at Salip Hieber, 33, mga residente ng Zamboanga City.

Lumalabas sa report na matulin umano ang takbo ng Hilux pick-up hanggang sa mawalan umano ito ng kontrol sa bahagi ng national highway sakop ng Purok 3, Bgy. Kilada, Matalam, North Cotabato kung saan inararo nito ang kasalubong na traysikel at Kia Bongo fish car.

Dumiretso pa ang pick-up at sumalpok sa gusali ng daycare center at isang bahay sa gilid ng kalsada.

Posible umanong nakaidlip ang driver ng pick-up na si Ridznul Tandih na nahaharap ngayon sa patung-patong na kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page