‘Insertions’ matapos mabulgar | P75 BILYONG PONDO NG DPWH, TINAPYAS NA

WALA umanong dapat ikabahala kaugnay sa pagtapyas ng Senado sa pinagtatalunang P75 bilyon na idinagdag ng Department of Budget and Management (DBM) na pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Una nang nagkasundo ang mga senador na tanggalin ang P75 bilyon matapos aminin ni DPWH Secretary Mark Villar na hindi niya alam ang sinasabing insertions ng DBM.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi maituturing na insertions ang nasabing P75 bilyon dahil inilagay ito ng DBM sa proseso pa lamang ng preparasyon ng budget.
Gayunman, inirerespeto ng Malacañang ang ginawang pagbabago ng Kongreso dahil mandato nila na amyendahan ang budget.
Tiniyak ni Panelo na hindi naman magkukulang ang pondo para sa “Build, Build, Build” programs ng administrasyon dahil may maaari pang paghugutan ng budget.
“There are many ways. The Executive is very creative. Kung kulang, puwede namang magdagdag ng appropriation. May supplemental budget naman. Basta for the good of the country, every branch should cooperate,” ani Panelo sa press briefing sa Palasyo.





Comments