top of page
Pokwang.jpg

Tinatawag daw itong “Lovot”, mga besh...ROBOT NA KERING MAGING CUDDLE BUDDY, PATOK!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 15, 2019
2 min read

ISA ka ba sa mga tropa natin diyan na madalas na nag-iisa? Don’t worry dahil knows mo ba na mayroon ng naimbento na robot na puwede ninyong makasama sa bahay at puwede ring maging ‘cuddle buddy’? Wow!

Noong Disyembre 2018, isang robot ang inilabas ng kumpanyang GrooveX sa Japan.

Ang robot ay tinawag na ‘Lovot’ na ginawa para mag-comfort sa owner nito tuwing makikita niya na malungkot ito.

Ayon sa GrooveX, ang Lovot ay iba sa mga robot na nauutusan dahil ito ay isang uri ng robot na gusto ng atensiyon mula sa kanyang owner, gayundin nahihiya ito sa mga taong hindi nito kilala.

Sa ngayon, sa Japan pa lamang ibinebenta ang Lovot sa halagang $3,100 o 337977 yen.

Base sa GrooveX, sa 2020 pa ilo-launch sa iba’t ibang bansa ang nasabing robot.

Ang Lovot ay may laking 16 na pulgada, may buntot, may tiyan para sa belly rubbing at bilugang mata na gawa sa 16 graphical layers, kaya may kakayahan itong i-blink ang kanyang mga mata.

Gayunman, mayroong gulong ang Lovot kaya ito nakalilibot sa loob ng bahay at nasusundan ang kanyang owner sa tuwing makikita niya na malungkot ito at nangangailangan ng yakap.

Ayon sa GrooveX, hindi kayang magsalita ng Lovot, pero kaya nitong gumawa ng maliliit na tunog para sabihin sa kanyang owner na gusto nito ng atensiyon.

Gamit ang artificial intelligence (AI) software, gumagana ang mahigit 50 sensors at camera sa ulo ng Lovot para makipag-interact sa mga tao at tandaan ang facial features ng kanyang owner. Maliban pa rito, nasa 1,000 tao ang kayang maalala ng Lovot habang 100 mukha ang kaya nitong makilala.

Mayroon ding heat feature ang Lovot kung saan ang tiyan nito ay mas mainit kumpara sa regular na temperatura ng katawan ng tao at dahil sa mainit na temperatura nito, naeengganyo ang owner na makipag-cuddle sa robot.

Maaaring gamitin ang Lovot nang walang internet connection, ngunit, ayon sa GrooveX, kakailanganin pa ring gamitan ito ng internet connection para sa pagda-download ng software updates.

Oh, ayan, para sa mga bro at sis natin diyan na madalas malumbay, siguradong ito na ang makatutulong sa inyo nang sa gayun ay maiwasan n’yo na ang pagiging lonely. Hi-hi-hi! Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page