Taxi driver huli sa aktong nasa-shabu

HULI sa aktong gumagamit ng iligal na droga ang driver sa loob ng ipinapasada nitong taxi kamakalawa sa Makati City.
Nakapiit sa Makati City Police ang suspek na si Jovy Ingalla, 57, ng Project 3, Quezon City.
Sa ulat na nakarating kay Makati City Police Chief Sr. Supt. Rogelio Simon, natiyempuhan at naaktuhan ng mga nagpapatrulyang awtoridad ng Police Community Precinct-4 ang suspek na sumisinghot ng droga sa loob ng taxi nito sa panulukan ng Apolinario St. at EDSA, Bgy. Bangkal, alas-10:20 ng umaga.
Wala nang nagawa pa ang suspek nang hulihin siya ng mga awtoridad.
Nakuha mula rito ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu, tatlong pirasong maiksing aluminum foil, 2 pirasong mahabang aluminum foils, Toyota Vios na may markang ENVIROCAB at plakang AAJ-6377.





Comments