Pahiwatig na magkakaroon ng pera
- BULGAR

- Jan 15, 2019
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Maricris ng Maricris_Enerio@facebook.com
Dear Professor,
Ano ang kahulugan ng panaginip ko na binigyan daw ako ng nanay ko ng pera at ginto, tapos kinabukasan, tatay ko naman ang nagbigay ng pera, kaya lang mga patay na sila?Sana, masagot ninyo ang aking katanungan.Maraming salamat!
Naghihintay, Maricris
Sa iyo Maricris, Buhay ang mga patay, iha. Mahirap paniwalaan, pero ito ang katotohanan sa aral ng mga Kristiyanong tulad mo. Ang totoo, ilan sa mga namatay na ay nagiging santo, kaya makikita mo na nadagdagan ang bilang ng mga idineklarang santo.
Alam mo, iha, bago ideklarang santo ang patay na, kailangang may pruweba na may napagaling siya, may natulungang buhay dahil sa kanya, sa kaluluwa niya ay nagdasal o may hiniling at ito ay kanyang pinagbigyan, kumbaga, dahil buhay ang mga patay, nakagagawa pa ng tinatawag na milagro kaya kahit patay na sila ay nakatutulong pa sila sa tao.
Ang isa pang patunay na buhay ang mga patay ay ang mismong panaginip. Hindi ba, buhay ang nanay at tatay mo sa panaginip mo at binigyan ka nila ng pera? Pero, bagama’t, buhay ang mga patay, hindi sila puwedeng bumalik sa lupa kasi masarap na ang buhay nila dahil kapiling na nila ang Dakilang Manlilikha.
Napansin mo ba, kapiling nila, as in, katabi lang nila? Ito ang lihim na dahilan kung bakit puwedeng mag-request sa mga santo at patay, kumbaga, masasabing “malakas” sila kay Lord dahil araw-araw ay magkakatabi sila, si Lord at ang mga patay.
Sabi ng panaginip, pero hindi milagro, magkakapera ka dahil ang hiniling ng nanay at tatay mo kay Lord ay “nawa ay suwertehin ka” na ang pahabol na request ay sana matupad ang mga kahilingan mo sa buhay.
Hindi ba, ang isa sa mga kahilingan mo ay ang magkapera ka? Kaya masasabing it is almost granted dahil muli, mahirap paniwalaan, pero ang mga patay ay kasama ng Diyos at anytime ay puwede silang mag-request at sure na ipagkakaloob sa kanila ang mga ito.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments