Misis nagbigti sa aparador
- Jeff Tumbado
- Jan 15, 2019
- 1 min read

NAGULANTANG ang isang pamilya sa natuklasang bangkay ng kanilang kaanak na nakabigti sa loob ng aparador sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.
Batay sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), nakilala ang biktima na si Ervie Santoyo, 38, may asawa, residente ng Bgy. Pag-Ibig sa Nayon.
Nabatid na alas-3:30 ng hapon nang matagpuan ang nakabigting bangkay ni Santoyo sa loob ng aparador sa silid nito na nasa ikalawang palapag ng kanilang bahay.
Ayon sa kapatid na si Ian Gani, kinatok umano niya ang silid ni Santoyo dahil nagtataka siya kung bakit hapon na ay hindi pa ito lumalabas at hindi pa rin kumakain ng tanghalian.
Halos ilang minuto na umano siyang kumakatok subalit, hindi pa rin umano ito pinagbubuksan kaya naman tinawag na niya ang isa pa niyang kapatid na lalaki na si Eben at doon ay puwersahan nilang binuksan ang pintuan ng silid ng ginang.
Nang mabuksan ang pintuan ay nagtaka sila dahil wala sa paligid ng kuwarto ang kapatid.
Dahil dito ay nagpasya nang lumabas sina Ian Gani at Eben sa silid pero tila may humatak sa kanila na buksan ang aparador at doon ay bumungad sa kanila ang bangkay ng kapatid na nakabigti.
Tumanggi namang paimbestigahan ng magkapatid ang nasabing pagbibigti ni Santoyo dahil kumbinsido silang sadyang nagpakamatay ang ginang.





Comments