Listahan ng election hotspots, inilabas ng PNP
- Jeff Tumbado
- Jan 15, 2019
- 1 min read

NASA labing-siyam na lugar sa bansa ang isinailalim bilang mga “hotspot” kaugnay sa May 9, 2019 Midterm Elections.
Ito ay makaraang ilabas mismo ni Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde ang listahan ng mga lugar na tinukoy at dapat isailalim sa matinding pagbabantay dahil sa mga nangyayaring karahasan, partikular ang pagdaraos ng eleksiyon.
Ayon kay Albayalde, may mga “recent violent incident” at “intense political rivalry” ang naitala sa nasabing mga lugar kabilang ang Sudipiden; Jones,Isabela; Lemery, Batangas; Roxas, Oriental Mindoro; Balud, Dimasalang, Masbate; Daraga, Albay; Pagadian City, Zamboanga del Sur; Cagayan de Oro City; Hadji Mohammad Ajul, Lantawan, Tipo-Tipo, Marawi City, Sultan Dimalondong; Mamasapano, Shariff Aguak, Shariff Saydona Mustapha at Datu Unsay.
Bukod sa deployment ng isang batalyon ng Special Action Force (SAF) sa Cotabato City, posibleng magsagawa sila ng realignment sa kanilang mga tropa sa Mindanao.





Comments