Ka Freddie, hindi alam na inaangkin ng China ang Spratlys

MALACAÑANG, SENADO AT KAMARA, ‘NGANGA’ LANG SA PANGINGISDA NG MGA CHINESE SA KARAGATAN NG PILIPINAS —Sa inilabas na satellite images ng Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI), makikita ang sangkaterbang Chinese fishing vessels na nangingisda sa West Philippine Sea (WPS).
Ang masaklap kahit naibalita na ‘yan ng local at international media at nag-viral na rin sa social media, eh, “nganga” lang ang Malacañang, Senado at Kamara.
Kung takot sa giyera ang Duterte gov’t. sana, kahit diplomatic protest ay magpadala sila sa China tungkol sa isyung ito kasi ang dapat makinabang sa mga isdang nariyan sa WPS ay mga Pinoy at hindi mga Chinese, period!
♦♦♦
HINDI PALA ALAM NI FREDDIE AGUILAR NA “INANGKIN” NA NG CHINA ANG SPRATLYS ISLAND AT SCARBOROUGH SHOAL —Tinanong ng radio host ng DZBB si Senatorial candidate Freddie Aguilar kung ano ang pananaw nito sa China na tinugon naman ni Freddie na ang kanyang pagkakaalam ay wala naman daw record ang China na nangangamkam ng lupa.
Pambihira, hindi pala alam ni Freddie na “inangkin” ng China ang Spartlys Island at Scarborough Shoal.
Sana, hindi na lang tinanong ng radio host si Freddie tungkol sa isyung ‘yan. Sana, pinakanta na lang kasi r’yan naman siya magaling, sa kantahan, boom!
♦♦♦
SANGKATERBANG MAGHU-JUETENG SA QC —Kung si “Ryan” ang may kontrol ng jueteng sa La Loma, Masambong, Talipapa at Novaliches; sina “Dodong”, “Pining” at “Baby” naman daw ang may kontrol ng jueteng sa Fairview, Batasan Hills, Cubao, Project 4, Anonas, Kamuning, Galas at Libis, pawang sa Quezon City.
Kung ganu’n, laganap na talaga ang jueteng sa Quezon City.
Kailan kaya gagawa ng aksiyon sina Mayor Herbert “Bistek” Bautista at QCPD Director, C/Supt. Joselito Esquivel, Jr. para ipa-"tokhang” ang mga manraraket na ito? Abangan!
♦♦♦
C/SUPT. CORONEL AT SR. SUPT. BERSALUNA, ‘NGANGA’ SA MGA MANRARAKET SA BULACAN—Namamayagpag ang raket na color games at drop balls nina “Lourdes Tomboy” sa Guiguinto; “Ato” sa Pandi; “Reynan” at “Ely” sa Meycauayan, pawang sa Bulacan.
Ganyan na pala karami ang mga manraraket sa Bulacan, pero “nganga” lang dito sina PNP-Region 3 Director C/Supt. Joel “Jigs” Coronel at Bulacan PD Sr. Supt. Chito Bersaluna, pwe!





Comments