JAPAN CUP SA PEBRERO 3

GAGANAPIN ang Japan Cup sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Pebrero 3 sa Malvar, Batangas.
Ang karera ay bukas sa lahat ng 4-year old at higit pa na tumakbo sa Rating Based Handicapping. Tatahakin ng mga kalahok ang 1,400 meters at may premyong P500,000.00 at hahatin sa apat na unang makatatawid sa finish line.
May naghihintay na P300,000 para sa magkakampeon, makatatanggap ng halagang P112,500 bilang pangalawa, mag-uuwi ng P62,500 at P25,000 ang pang-apat.
Samantala, pitong karera ang tatahak ngayong gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Mag-uumpisa ang Winner-Take-All (WTA) sa Race 1, napipisil ko ang kalahok na Beautiful Star at Double Time Swing, habang sa Race 2, napasimula ng Pick 6 ay pinapaboran ang Exceptional Gee na entry ng EEG Development Corp. at Tagpuan na lahok ni Sandy Javier.
Susundan ng Pick 5 event sa Race 3 na paglalabanan ng anim na kalahok na pinapaboran ng Watch out amcoming, Moon Laser at Wild Find, kasunod ang Race 4 na simula nang Pick 4 event at ipinapatok ang Morning Breeze, Most trusted at Stravinsky ni Atty. N. O. Morales.
Paglalabanan ng mga kalahok na Spectrum, ang couple entry Parthenon at Tapped it, Cole is Bright at Ik Hou Van Jou sa Race 5.
Pinapaboran ang Oceanside, habang ang Gonzee’s Song ang makakalaban ng mahigpit at ang Florida Blanca ay may huling bulusok. Isama sa paratingan ang Jacobo’s Magic, Batang Arrastre ay Go Marty Go sa Race 7.
Tip ni Mang Ding: Race 1- Beautiful Star (4) Double Time Swing Super Guro(1): Race 2- Exceptional Gee (1) Tagpuan (4): Race 3- Moon Laser (4) Watch Out Ancoming (1) Wild Find (6): Race 4- Morning Breeze (3) Most Trusted (6) Stravinsky(4): Race 5- Spectrum (7) Entry No.5 Cole Bright (3): Race 6- Oceanside (5) Gonzee’s Song (3): Race 7- Jacobo’s Magic (2) Batang Arrastre(3).





Comments