Honeymoon sa Maldives, Pinoy couple nalunod, patay | “TILL DEATH DO US PART”

NAUWI sa trahedya ang honeymoon sa Maldives ng bagong kasal na overseas Filipino workers nang malunod habang nag-i-snorkel sa resort sa Dhiffushi Island.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, kinilala ang mga nasawi na sina Leomer Lagradilla at Erika Joyce na ikinasal nitong December 18. Mahigit sampung taon umanong naging magkasintahan ang high school sweethearts.
Nagtrabaho sa Singapore ang 29-anyos na si Leomer habang sa Saudi Arabia naman si Erika, 30.
Nitong Enero 9, lumipad pa-Maldives ang dalawa para sa kanilang dream honeymoon subalit, nauwi ito sa trahedya nang malunod sila sa kanilang ikalawang araw habang nag-i-snorkel.
Ayon sa ilang nakasaksi, unang nalunod si Leomer na sinubukan pang sagipin ni Erika.
Ayon naman sa Department of Foreign Affairs, nasaklolohan ng mga rescuer ang mag-asawa subalit, idineklarang dead-on-arrival sa ospital.
Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.
Humihingi naman ng tulong ang pamilya ng mga biktima dahil aabot umano sa P1.2 milyon ang gastos para maiuwi sa bansa ang kanilang mga labi.





Comments