top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

DBM sa kontrobersiyal na ‘insertions’ | PAGBA-BUDGET PARA SA INFRASTRUCTURE, TRABAHO NG DPWH

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 15, 2019
1 min read

TALIWAS sa umano’y sinasabi ni House Majority Leader Rolando Andaya, Jr. na ang Casiguran ang napaboran ng P51 billion ‘insertions’ sa 2019 National Budget, zero allocation para sa infrastructure projects umano ang nasabing bayan sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Base sa opiyal na dokumento ng DPWH, lumalabas na noong 2018 sa mga lalawigan sa Bicol Region, Albay ang may pinakamataas na alokasyon na P11.2 bilyon, taliwas sa sinasabi ni Andaya na ang Sorsogon na pinapaboran ni Budget Secretary Benjamin Diokno.

Sumunod lang dito ang Sorsogon na P10.5 bilyon, kasunod ang Camarines Sur, P10.2 bilyon, Masbate, P4.5 bilyon, Camarines Norte, P3.3 bilyon at Catanduanes, P2.5 bilyon.

Sa buong bansa, mayroon lamang 25 iba pang provincial districts ang nakakuha ng mas malaking alokasyon ng infrastructure projects kaysa sa unang distrito ng Sorsogon kung saan bahagi nito ang Casiguran.

Nauna nang iginiit ni Diokno na ang DPWH ang naglalagay ng budgetary allocation para sa specific project listing at ang mandato ng budget department ay limitado sa pagsasaayos ng budget ceiling at pag-evaluate sa proposal ng mga ahensiya para sa kanilang programa at hindi sa proyekto. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page