top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

BULLPUPS, SOLO LEAD NA, SINAKMAL ANG BLUE EAGLETS SA UAAP JUNIORS

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 15, 2019
1 min read

NAKALUSOT ang National University sa ginawang paghahabol ng Ateneo de Manila sa 4th period upang maitakas ang 78-71 panalo at patatagin ang solong pamumuno sa UAAP Season 81 juniors basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Kapwa umiskor ng tig-16 puntos sina Gerry Abadiano at Terrence Fortea para pangunahan ang panalo ng Bullpups.

Ngunit, ang talagang nagsalba sa NU ay ang three-point play ni Carl Tamayo sa nalalabing 46.3 segundo na naging susi sa 7th win nila kontra isang talo.

Nanguna sa Ateneo na bumaba sa markang 6-2, panalo-talo si Kai Sotto, ang leading season MVP contender na may 22 puntos, 18 boards, 5 assists at 3 blocks. Nauna rito, nanatili ang FEU-Diliman sa 2nd place matapos igupo ang dating katablang Adamson U, 80-72. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page