Armadong kelot huli sa checkpoint
CEBU—Isang lalaki ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng baril sa police checkpoint, kamakalawa sa Bgy. Agujo, Daanbantayan sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Richard Monsanto, nakatira sa Bgy. Cirva, Medelin sa naturang lalawigan.
Nabatid na isang kalibre .45 pistol at mga bala ang nakumpiska ng pulisya sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Monsanto na nahaharap sa kasong paglabag sa election gun ban at illegal possession of firearms and ammunitions.





Comments