3 Todas, 47 sugatan sa gas explosion
- Jersy Sanchez
- Jan 15, 2019
- 1 min read
NASAWI ang tatlo katao sa gas explosion sa bahagi ng sentro ng Paris, France.
Dalawa sa nasawi ay pawang mga bumbero habang ang isa ay mula sa Spain, ayon sa Paris Prosecutor’s Office.
Bukod sa mga nasawi, may 47 iba pa na naiwang sugatan kung saan 10 sa mga ito ay nagtamo ng malubhang sugat.
Ayon kay Interior Minister Christophe Castaner, nasa 200 bumbero ang rumesponde at inilikas ang mga residente sa naturang lugar.
Naganap ang pagsabog matapos ang pinakahuling “yellow vest” protest kung saan nauwi ito sa karahasan at bandalismo sa Paris at iba pang mga siyudad noong nakaraang linggo.





Comments