2 Batang lalaki minolestiya | PARI, 14YRS. KULONG
DALAWA hanggang labing-apat na taong pagkakakulong ang ipinataw na parusa kay Rev. David Poulson, 65, nang umaming nangmolestiya ng dalawang batang lalaki.
Nagsilbi nang apat na dekada ang naturang pari sa Diocese of Erie.
Oktubre 2018 nang maghain si Poulson ng guilty plea matapos aminin na inabuso niya ang dalawang batang lalaki na pawang nasa edad 8 at 15 noong 2000.
Ayon sa Jefferson Country Court, ginamit umano ng suspek ang posisyon nito bilang “a man of the cloth” upang mabiktima ang mga menor-de-edad.
Humingi ng tawad si Poulson sa kanyang nagawa na tinawag niyang “criminal and sinful”





Comments