top of page
Pokwang.jpg

Utos ni Duterte, nagpapa-5-6 patayin | SIGAW NG MGA GURO: PAANO NA KAMI?

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 14, 2019
1 min read

KASUNOD ng banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipapapatay ang mga nagpapa-5-6, ilan sa mga guro ang nabahala.

Marami umano sa kanila ang napipilitang kumapit sa 5-6 o pangungutang dahil sa kakapusan.

Para sa mga sumasahod ng higit P20,000 kada buwan, halos P5,000 na lang umano ang take-home pay dahil sa dami ng kaltas mula sa iba’t ibang loans.

Wala umano silang ibang paraan kundi ang kumapit sa tila patalim.

Kaya kung mawawala umano ang 5-6, paano na sila mabubuhay?

Matatandaang, una nang nagbanta ang pangulo na nais niyang patayin ang sistema ng 5-6 at kung hindi ito mapapatay, ang mismong mga nagpapautang umano ang kanyang ipapapatay.

Samantala, balak umano ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na magtungo sa opisina ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones at isulong ang pakikipagdayalogo sa pangulo para sa umento sa sahod. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page