top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Shabu buking sa selda

Levi Gonzales
Jan 14, 2019
1 min read

NABISTO ng mga tauhan ng jail personnel ang nasa higit siyam na gramo ng pinaniniwalaang shabu matapos ang kanilang inspeksiyon sa Quezon District Jail, Sitio Fori, Bgy. Talipan, Pagbilao, Quezon.

Alas-9:40 ng umaga nang magsagawa ng Greyhound Operation sa pangunguna ni Jail Supt. Lorenzo Reyes.

Makalipas ang isang oras, natagpuan nila sa Dorm 17 sa kanilang palikuran ang nakatagong shabu kung saan inilagay sa ilalim ng timba.

Agad nila itong sinuri hanggang sa mapatunayang iligal na droga ang nakabalot sa plastic card. Masusi namang inaalam kung kaninong droga ang nadiskubre at paano nakakapasok sa loob ang ganitong klase ng kontrabando.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page