Riding-in-tandem umiwas sa checkpoint, todas

PATAY ang riding-in-tandem matapos umiwas sa checkpoint sa San Jose del Monte City, Bulacan, kahapon ng madaling-araw.
Dead-on-the-spot ang mga hindi pa nakikilalang mga suspek na pawang nakasuot ng puting jacket at helmet na may bonnet.
Ayon kay Supt. Orlando Castil, nagsasagawa sila ng checkpoint para sa unang araw ng implementasyon ng election gun ban sa Benjamin Village sa Bgy. Graceville nang hindi huminto ang dalawa.
Sinubukan umanong parahin ng mga pulis ang mga suspek pero, hindi ito huminto sa halip ay humarurot.
Agad na nagsagawa ng dragnet operation ang mga pulis upang harangin ang mga kalsadang posibleng daanan ng mga suspek hanggang sa makita ang mga ito.
Rito na umano pinaputukan ang mga pulis kaya gumanti ang mga ito na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa.
Narekober sa crime scene ang dalawang baril at motorsiklong gamit ng mga suspek.





Comments