top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pulis binentahan ng shabu, 4 timbog

Maeng Santos
Jan 14, 2019
1 min read

APAT katao kabilang ang dalawang babae ang naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit Head PCI Rengie Deimos, alas-11:30 ng gabi nang ikasa ng pinagsamang puwersa ng SDEU at PCP-7 sa pangunguna ni PSI Geraldson Rivera ang buy-bust operation kontra sa umano’y tulak ng droga na si Michael Jabonita, 40, sa Barmat Bukid, Rubyville, Bgy. 160.

Nagawang makabili ni PO1 Victorino na nagpanggap na poseur-buyer ng isang plastic sachet ng shabu kay Jabonita kapalit ng P200 marked money at nang magkaabutan na, agad sumugod ang back-up na mga operatiba saka inaresto ang suspek.

Narekober sa suspek ang isa pang plastic sachet ng hinihinalang shabu at buy-bust money habang inaresto rin ang dalawa umanong drug users na sina Rizza Beato, 30, at Lisa Beltran, 56, matapos maaktuhang bumibili umano ng shabu kay Jabonita.

Nakumpiska kay Beltran ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu habang dalawang plastic sachets naman ng pinaniniwalaang shabu ang nakuha kay Beato.

Ala-1:00 naman ng madaling-araw nang masakote rin ng mga operatiba ng SDEU kasama ang mga tauhan ng PCP-1 sa pangunguna ni PCI Bernabe Irinco sa ikinasang buy-bust operation sa Adelfa St., Bgy. 132, Bagong Barrio ang drug pusher na kabilang sa drug watchlist na si Richard Villanueva alyas Kulugo, 41.

Bukod sa nabiling shabu at P200 buy-bust money, apat pang plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu ang narekober sa suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page