Pagbibigay-respeto sa karapatang-pantao ng mga may HIV/AIDS, suportahan!
- BULGAR

- Jan 14, 2019
- 2 min read
NOONG December 20, 2018, pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na naglalayong tugunan ang isyu ng Human Immunodeficiency Virus at Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV/AIDS) sa bansa.
Sa pagsasabatas ng Republic Act 11166 o Philippine HIV and AIDS Policy Act of 2018, inaasahang mas magiging accessible ang health services para sa HIV at AIDS sa mga Pilipino.
Bilang co-author ng batas na ito, natutuwa tayo na sa wakas, mas mapaiigting natin ang suporta para sa mga kababayan nating may HIV/AIDS. Malaki rin ang maitutulong ng batas na ito sa layunin ng HIV/AIDS prevention.
Napapanahon ang batas na ito, lalo na at Pilipinas na lamang ang nanatiling bansa sa Southeast Asia na nagtatala ng patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV/AIDS.
Ayon sa Joint United Nations Programme on HIV/AIDS (UNAIDS), umakyat sa 170 percent ang bilang ng kabataang (15-24 years old) HIV-infected mula noong 2010. Ayon sa Department of Health, nagkaroon ng 945 bagong kaso ng HIV noong November 2018, which brought the total number of HIV infections for the first 11 months of 2018 to 10,550.
The DOH records also show that there have been a total of 61,152 HIV cases in the Philippines since we started tallying the spread of the infection in 1984.
These numbers do not paint the whole picture dahil maraming kaso ang hindi naitatala dahil sa takot at pagaalinlangan ng mga kababayan nating magpa-HIV testing at humingi ng tulong-medikal.
Sa pamamagitan ng Philippine HIV and AIDS Policy Act, magkakaroon na ng programa para mabigyan ng libre at accessible treatment at medication ang lahat ng kababayan nating may HIV/AIDS.
Minors from 15 to 17 years of age will also be able to give their own consent for taking an HIV test. Persons below 15 who are pregnant, married or have high-risk behaviour would also be considered a mature minor and be allowed to give their own consent for HIV testing.
Inaatasan din ng batas ang Department of Social Welfare and Development na mag-develop ng care and support programs para sa mga may HIV/AIDS. These programs should include counseling, support, social protection and welfare assistance, among others.
Ang isa sa pinakamahalagang aspeto ng Philippine HIV and AIDS Policy Act ay ang pagsigurong igagalang ang karapatang-pantao ng mga taong may HIV/AIDS.
May guarantee ang bagong batas na ito para protektahan ang kababayan nating may HIV/AIDS laban sa diskriminasyon.
Sinisiguro nitong hindi sila mawawalan ng oportunidad para sa livelihood, micro-finance, self-help at cooperative programs dahil sa kanilang HIV/AIDS status.
It is time to break the stigma that hounds our fellow Filipinos who are HIV-infected. Suporta ang kailangan nila at hindi panghuhusga.
Habang fresh pa ang mga New Year’s Resolution natin, magandang idagdag natin ang pagsuporta sa batas na ito.
Sa pagtahak natin ngayong Bagong Taon, let us remember to spread the love and always be nice!





Comments