Dahil sa taas-presyo | KALAHATI NG MGA PINOY, PURDOY
- BULGAR

- Jan 14, 2019
- 1 min read

KALAHATI ng mga Pilipino ang ikinokonsidera ang kanilang sarili bilang mahirap.
Batay ito sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations.
Sa 1,440 Pinoy adults, 50% ang nagsabing sila ay mahirap, mas mababa ito ng dalawang puntos sa naitalang 52% noong nakaraang quarter.
Tumaas ang self-rated poverty ng 4 puntos sa Balance Luzon sa 51% at Metro Manila, 30%.
Samantala, bumaba naman sa 34% o katumbas ang 7.9 milyong pamilya mula sa dating 36% ang itinuturing ang sarili na mahirap.
Ayon sa respondents, kailangan nila ng P10,000 monthly budget para hindi maging mahirap. (BRT)





Comments