475 Pasahero ng cruise ship, nadale sa gastro-intestinal illnes
PATULOY ang pagtaas ng bilang ng mga pasahero ng Royal Caribbean International cruise ship na tinamaan ng gastrointestinal illness.
Ayon sa kumpanya, nasa 475 pasahero ang mayroon ng nasabing sakit.
Unang kinumpirma ng kumpanya na nagkasakit ang 277 pasahero.
Nagsimula umano ang pagkalat ng sakit nang umalis ang ship mula sa Port Canaveral sa Breard Country, Florida noong Linggo.
Ang nasabing sakit ay nakukuha mula sa kontaminadong pagkain o tubig na mayroong sintomas na pagsakit ng tiyan, diarrhea at nausea.
Nangako ang pamunuan na makatatanggap ng refund ang lahat ng pasahero ng Oasis of the Seas.





Comments